Easy Money Online

Thursday, December 13, 2018

Lumpia/Spring Roll Wrapper

Kapag sinabing lumpia wrapper parang ang dali lang pero ang hirap pala kasi nakakailang failed ka bago mo makuha ang eksaktong formula ng paggawa nito. Pero ayun nga kung gusto mo may nilaga kailangan magtyaga. Heto ang paggawa nito .



Mga kakailanganin :

300 grams all purpose flour
470 ml water
3/4 teaspoon salt


Syempre :

Non stick pan
Cooking brush
Clean cloth or paper towel



Paano gawin?

Ihalo ang harina at Asin at lagyan ng tubig at haluin ng haluin ang mixture. Salain ito para matanggal ang mga namumuo sa mixture. Ihanda ang non-stick pan at ang cooking brush. Initin ang pan ng bahagya at ibrush ang mixture ng mabilisan at pabilog. unti unti lakasan ang apoy at hanguin sa loob ng 10-12 segundo o kapag nakita mo na naging wrapper na ito at ilagay sa maayos ng lalagyan habang pinapalamig.

Tandaan:

**Bawat salang kapag may naiwang dumikit. Tanggalin gamit ang malinis na tela o paper towel.
** Huwag agad ipatong patong ang mga lumpia wrapper kapag mainit.

Pag gumawa nito habaan ang pasensiya. Isipin mo na lang scientist ka.







No comments:

Post a Comment